“Aia, mag-bihis ka anak, may pupuntahan tayo,” sabi ni mommy sa akin. Agad naman akong sumunod sa kanya at nag-bihis. Kapag-sinabi ni mommy na mag-bihis ibig sabihin nya doon ay mag-bihis ako ng medyo pormal na damit dahil makikipag-socialize na naman kami kung kani-kanino. Hindi naman kami gaanong mayaman at minsan lang kami makipag-socialize ng ganito. Hindi ko alam na sa araw na ito mag-sisimula ang isang kabanata sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.
Nakapag-bihis na ako noon at pina-sakay ako ng nanay ko sa kotse namin at umalis na kami ng bahay. Sa isang party pala ang punta namin. Hindi na ko nag-taka na halos wala akong kakilala dito at halos wala akong ka-edad. Siguro ay ganyan lang talaga ang matatanda. Isasama ang mga anak nila sa mga party para lang ma-OP ang mga ito. Nag-tungo na lang ako sa veranda ng lugar na iyon at doon nag-mukmok mag-isa.
Ngunit ng nakarating ako sa veranda ay meron palang binata na nandoon aalis na lang sana ako pero nag-salita siya. “OP ka rin no?” tanong nya. “Ha?” sabi ko. Hindi ko naman sya Kilala,eh. “Ang sabi ko na o-OP ka rin sa kanila no?” tanong ulit nya. “Oo nga,eh,“ sagot ko. “Ako nga pala si Chris, and you are?” tanong nya. “Ako si Aia. Kasama mo rin ang magulang mo dito?” tanong ko. “Oo. Palagi naman nila akong isinasama eh. Pero kapag tumatanggi naman ako ay hindi na nila ako pinipilit. Ngayon nga lang ay pinilit nila ako kasi ay meron daw silang ipapakilala sa akin,“ sabi ni Chris. “Ah. Kasama ko rin ang magulang ko. Grabe, nakaka-OP talaga dito,“ sabi ko. “Huh?“ sabi ni Chris. “Ay, halata bang tambay ako?“ tanong ko. “Hindi naman. Ako, hindi mo lang siguro nahahalata pero mahilig talaga akong tumambay,” sabi ni Christian. “Ay, babalik na ko doon sa loob kasi baka hinahanap na ko ng magulang ko. Sige, bye,“ sabi ko at umalis na ako.
Nakita ko ang mga magulang ko na naka-upo sa isang table kasama ang bestfriend ng nanay ko at ang asawa nito. “O, saan ka nanggaling, Aia?“ tanong ni mommy. “Dun lang sa tabi...tabi,“ sabi ko. “Osha, umupo ka na,“ sabi ni mommy at umupo na ako. “Anlaki na rin ng pinag-bago ng anak mo simula ng huli ko syang nakita. Dalagang-dalaga na,” sabi ni tita Cassandra. “Hindi naman po,” sabi ko. “Hay, naku. Dalaga lang yan ngayon pero kung araw-araw, makikita mo yan, kasama ang mga ka-banda nya,“ sabi ng nanay ko. “Oh? Nakanta ka Aia?“ tanong ni tita Cass. “Opo,“ sagot ko. “Oh, anak. Ba’t ngayon ka lang?” tanong ni tita Cass na binatang kakarating lang. Chris. “Nag-lakad lakad lang ako sa labas,“ sabi nito. “Kilala mo na ba ang anak ng tita Shirley mo? Si Aira. Aira, si Christian, anak ko,” sabi ni tita Cass. “Nag-tanguan lang kami ni Christian.
“Natatandaan nyo pa ba ang pinag-usapan natin noong mga baby pa lang yang mga yan?” tanong ni mommy. “Oo, naman,” sabi ni tita Cass. “Itutuloy pa ba natin?” tanong ulit ni mommy. “Aba’y siyempre. Pangako yun eh,” sabi ng daddy ni Christian at tumango naman ang daddy ko. “Kayong dalawa, dapat na malaman nyo na noon pa man ay matalik na kaming mag-kakaibigan. Noong mga bata kayo ay napag-kasunduan naming…” tumigil muna ang nanay ko. Wari’y tinatantya kung gusto talaga naming malaman kung ano ang napagkasunduan nilang apat. “Ano?“ nagka-sabay pa kami ni Christian. “Noong mga baby pa lang kayo ay naipag-kasundo na namin kayo sa isa’t isa. So that means na fiancé nyo ang isa’t isa. Pilitin nyong magka-kilalang mabuti. Dadaan pa naman muna kayo ng halos dalawang taon sa college. Pag handa na kayo, tsaka kayo magpakasal,” pagtatapos ng nanay ni Christian. “What? Wala na ba talaga akong karapatan…” pagsisimula ko pro hindi ko alam ang sasabihin ko. Umalis na lang ako ng biglaan sa party na yon. “Aia anak…” sabi ni mommy pero hindi ko na siya pinakinggan.
Nangangalit talaga ako sa mga magulang namin ni Christian. Wala na ba akong karapatang mamili ng lalaking mamahalin ko? Pumara ako ng taxi at nagpa-hatid ako sa bahay namin. Pagka-dating ko ay diretso agad ako sa kuwarto ko at doon ay pinagtatadyakan ko ang mga silya at mga gamit na naka-haya sa sahig. “Ano ba sila?” sabi ko. “Palagi na lang silang ganyan!!! Wala na ba talaga akong karapatang mamili ng mamahalin ko? Pati ba naman kung sino ang pakakasalan ko, sila pa rin ang mag-iisip para sa akin? Hindi na ako bata! GRRRR!!!! AY, NAKAKAINIS TALAGA!!!!“ sabi ko sabay bagsak sa kama ko. Isang oras din ang lumipas at ko ang katok ng nanay ko sa pinto ng kuwarto ko.
“Anak, buksan mo ang pinto,” sabi ni mommy dahil naka-lock ang pinto ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto ng kuwarto ko. “Anak, mag-usap naman tayo,” sabi ni mommy. “Ano pa ba ang pag-uusapan natin ma. E, di ba maliwanag na tinatanggalan nyo na ako ng karapatan dito? Noong bata ako, kayo ang nadedesisyon kung ano ang susuotan ko. Kung ano ang pangalan ko. Tapos kayo din ang nag-isip kung saan ako papasok. Noong nag-high school ako, pinilit nyo akong pumasok sa science school na yun. Ng nag-college ako, kayo din ang nag-isip! OK lang sana sa akin yun, eh kaso, pati ba naman kung sino ang papakasalan ko, kayo din ang pipili!” nangangalit kong sabi. “Aia, pangako iyon at ang pangako...“ sabi ng nanay ko. “Dapat tuparin?! Matutupad nyo nga ang pangako nyo pero masaya ba ako? Mas mahalaga pa ba sa inyo ang tuparin yang pangako nyo kesa sa maging masaya ako?” sabi ko. “Aia, mabuting tao si Christian. Alam kong mapapaligaya ka nya.” Sabi ulit ni mommy. “Pano mo nalaman e hindi mo naman siya masyadong kilala,” sabi ko. “Anak, nakikiusap ako sa iyo. Subukan mo lang siyang kilalanin. Kung wala kang mararamdaman na kahit konting pagmamahal para sa kanya, hindi ko na tutuparin ang pangako ko sa tita Cass mo, OK na ba yun?“ sabi ni mommy. “Sige. Pero, hindi ko maipapangako sa iyo na magkakamabutihan kami ni Christian,“ sabi ko.
Kinabukasan sa school ay buong araw akong nakakatanggap ng mga text messages sa isang misteryosong estudyante sa aming school. Makulit ito at kinahapunan… “Nyaks! Check op na ako!” sabi ko. “Yaman na yaman, naka-prepaid ka lang!” sabi ng boses sa likuran ko. Tumingin ako sa likod. Si Christian pala ito. “Anong mayaman? Tignan mo nga cel ko!” sabi ko at pinakita ko sa kanya ang cel ko. “e anong tawag mo sa cel ko?” sabi niya at pinakita nya sa akin ang cel nya. “E sa ayaw ko mag-plan eh,” sabi ko. “Osha, eto, prepaid card, para sa’yo,” sabi ni Christian sabay abot sa akin ng isang prepaid card na nagkaka-halagang 300 pesos. “Sandali, anlaki nito, hindi ko pwedeng tanggapin ito,” sabi ko. “Tatanggapin mo yan kasi, yan ang regalo ko para sa’yo dahil fiancé na kita,” sabi ni Christian. “Pero…” wala akong masabi. Talaga bang pumapayag itong lalaking ito na ipag-kasundo kami ng mga magulang namin? “Hay naku. Sabay ka na lang sa akin. Pauwi na rin ako,“ sabi niya. „Bakit naman ako sasabay sa iyo?“ tanong ko. “Una, ako yung kanina pa nagte-text sa iyo at pangalawa, fiance mo na ako,“ sabi niya at hinila niya ako sa kamay.
Ng makarating na kami sa car park ay lumapit siya sa isang kotse at binuksan ang pintuan nito. “Oh, loves sakay na,” sabi niya at tinuro niya ang silya katabi ng driver’s seat. “Loves ka diya – “ pero naputol ang sinasabi ko ng itulak ako ni Christian paloob ng kotse sabay sabing “Sakay na kasi!”
“Ano bang problema mo? Kanina pa ko nasasaktan sa iyo ah!“ sabi ko. “Pambihira, ang taray-taray mo naman sakin. Fiancé mo na ko! “Sabi ni Christian. “Fiancé lang kita dahil pinagka-sundo tayo ng mga magulang natin!!!” sabi ko. “Nainit na naman ang ulo mo, sige ka, dadami wrinkles mo nyan!” sabi ni Christian. “Pakialam mo ba kung dumami wrinkles ko!“sabi ko. “Aba, syempre gusto ko magansa ang mapapangasawa ko, yung tipong maipagmamalaki ko,“ sabi ni Christian. “Hoy! For your information, napag-usapan na namin ng nanay ko ang tungkol dyan. Kapag lumipas na ang two years at hindi ako na-inlove sa iyo, off na ang kasal,“ sabi ko. “Di dapat pala ma-inlove ka sakin,” sabi ni Christian. “Bakit? Gusto bo bang may pinagkaka-sundo sa iyo na hindi mo naman mahal? We’re in the 21st century pero makaluma pa rin sa tingin ko ang mga magulang natin. Panahon pa ni Rizal nauso ang pinagkaka-sundo ang mga anak,” sabi ko. “That way kasi, hindi na ako mahihirapang manligaw,” sabi ni Chrisitan. “At sa tingin mo ba ay papayag ako na pakasal sa iyo? Hoy, ano ko, kunsinong cheap na babae na lang dyan?!” sabi ko. “Alam mo bang madami sa school natin ang nagkaka-crush sakin?” tanong ni Christian. “Paki ko, hindi ako tulad nila, noh!” sabi ko. “Masuwerte ka nga at naka-tali ka na sa akin samantalang yung ibang babae, nag-hahabol sa akin. Nakakakilabot pa nga yung iba na nililigawan ako,” sabi ni Christian. “Kundi nga dahil sa’yo ok sana ko. Kaso naka-tali na ko sa iyo kaya hindi na ko maka-hanap ng iba, aakalain na ng marami na boyfriend kita,” sabi kong naiinis pa. “Hindi mo naman ako boyfriend eh, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na fiancé mo ako,” sabi ni Christian. “Ewan ko sa iyo basta alam kong hindi ako ever mai-inlove sa iyo,” sabi ko. “Talaga lang, ha,” sabi ni Christian. “Talaga,” sagot ko naman.
“Teka nga, saan ba kita ihahatid bago pa mag-apoy dito sa init ng ulo mo,” sabi ni Christian. “Dun sa studio sa tapat ng Einar’s,” sabi ko. “Ano namang gagawin mo dun?” tanong nya. “Bakit ba nakikialam ka!“ sabi ko. “Fiance kita kaya kelangan kong malaman kung saan ka pupunta. Baka mapahamak ka,“ sabi ni Christian. “Ewan ko sa iyo, kung anong pumasok sa isip mo at pumapayag ka na ipagka-sundo tayo. Ayaw mo bang makasama ang mahal mo?“ tanong ko. “Andito na po tayo, miss bugnutin,“ sabi ni Christian at tinigil na niya ang kotse. “Sige, thank you,” sabi ko at isinara ko ang pinto ng kotse. Nasa labas ng studio ang mga ka-banda ko at iniintay ako. “By, luvs!” sabi ni Christian at pinaandar na niya ang kotse. “Sino ba yun?” tanong ni Jhunjie, isa sa mga ka-banda ko. “Fiancé ko,” inis kong sagot. “ANO!!!“ sabi nilang lahat.
“Sandali nga, hindi maabot ng IQ ko eh. Paanong nagka-fiance ka, e kahapon lang ay naiinis ka pa sa mga naglalambingan na mag-boyfriend tapos magpapakita ka na lang ngayon na may kasamang lalaki. At hindi lang basta lalaki, fiance mo!“ sabi ni James, isa sa mga ka-banda ko. “Ganito kasi yun...“ sabi ko at sinimulan ko na ang pagpapaliwanag ng mahabang istorya kung paano kami ipinagka-sundo ng mga magulang namin. “Maryosep! Eh, mas maka-luma pa yata ang mga magulang niyong dalawa kesa sa lola ko, eh!“ sabi ni Archie, ka-banda ko. “At pumayag ka namang gaga ka,“ sabi ni Jhunjie. “Hindi noh! At wala akong planong mag-pakasal sa katulad niya,“ sabi ko. “Siguraduhin mo lang kasi baka mamaya, siya pala ang mamahalin mo,“ sabi ni James na iiling-iling pa.
Lumipas ang isang linggo at papalapit na ang school dance namin sa valentines day. At hanggang ngayon, wala pa rin akong ka-date. Isang araw ay naka-tanggap ako ng madaming chocolates. At may hinala na ako kung kanino galing ito. At tama ako dahil kinahapunan ay nalaman kong galing kay Christian ito. Pauwi na ako noon at may tumawag sa aking pangalan. “Aia, wait naman!” sabi ng boses sa likuran ko. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko kung kaninong boses ito. Kay Christian. “Ikaw na naman!” sabi kong naiinis. “Kailangang masanay ka na sa mukha ko kasi pag naikasal na tayo…” sabi ni Christian ngunit tinakluban ko ang kanyang bibig. “Shhh… ang ingay mo. Dun tayo mag-usap sa walang makakrinig sa atin,“ sabi ko dahil napag-titinginan na kami ng tao.
Doon kami pumunta sa car park kung nasaan ang kanyang kotse. “Pambihira ka naman! Ang ingay-ingay mo! Alam mo bang pag-kumalat na ipinagka-sundo tayo ng mga magulang natin ay pag chi-chismisan tayong dalawa? Alam mo ba kung gaano ka-chismoso ang mga tao dito?” sabi kong naiinis. “Alam ko. Kung di naman sila chismoso e hindi kakalat kung gaano ako kaguwapo sa school na ito, eh,” sabi ko. “Ang kapal mo. Kung may sasabihin ka sa akin ay huwag na dito dahil baka may makakita pa sa atin,“ sabi ko. “Oo nga, sabi ko nga. Sige, sakay ka na,” sabi niya at ipinag-bukas niya ako ng pinto.
“Bakit ba ayaw mong may makaalam na fiancé kita?” sabi ni Christian. “Tandaan mo, fiancé lang kita dahil ipinagka-sundo tayo ng mga magulang natin. Kaya kung maari lang ay walang makakaalam. Ano na lang ang iisipin nila, na masyado namang maka-luma ang magulang natin? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Na nilalandi kita? Na talagang nakiusap ako sa magulang ko na ipagka-sundo ako sa iyo? Tulad nga nga sinabi mo, ikaw ang campus crush sa school at kapag isang araw at malaman na lamang ng mga tao na may fiance ka na, magtataka silang lahat lalo na’t isang di kagandahang babae pa ang naging fiance mo,“ sabi ko. “Hindi naman totoo yang mga sinasabi mo eh. Hindi mo naman ako nilalandi, ah,“ sabi ni Christian. “Alam natin ang totoo, pero sila, hindi nila maiintindihan yun,“ sabi ko.
Itinigil ni Christian ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Bumaba siya at pinag-bukas ako ng pintuan. Ng nasa loob na kami ng restaurant ay tinanong ko siya. “Ano bang sasabihin mo sa akin?” tanong ko. “Alam mo bang galing sa akin yung chocolates?” sabi niya. “Oh? Para saan naman iyon?” tanong ko ulit. “Kasi, alam mo, wala pa akong date sa school dance natin,” sabi niya. “Aba, nakakamangha. Parang nung isang lingo lang ay nagyayabang ka pa na babae pa ang nanliligaw sa iyo tapos ngayong, sasabihin mo sa aking wala mai-date sa school dance?” sabi ko. “Hindi, siyempre nung sinabing may school dance tayo ay una-unahan na ang mga babae sa akin pero, ni-reject ko silang lahat,” sabi ni Christian. “At bakit naman bigla yatang nang-reject ng babae ang dakilang chickboy?” tanong ko. “Eh, kasi, gusto ko, ikaw ang ka-date ko,” sabi ni Christian. “At bakit naman? Para malaman na ng lahat ng tao na ipinagka-sundo tayo ng mga magulang natin? “ sabi ko. “Hindi. Gusto ko lang. Tutal naman, ipinagka-sundo nga tayo kaya para na rin tayong mag-boyfriend nito. Tsaka ayoko na ang maka-date ko ay yung alam kong gusto ko. Alam mo kasi yung mga ganun, mahigpit kung makakapit pag nasayaw,“ sabi ni Christian. “Ah, ganon? Dahil lang doon kay agusto mo akong maging date. Eh, kung ayaw ko?” sabi ko. “Sige na naman, please. Nagmamaka-awa ako sa iyo,” sabi ni Chrisitian. “Ohsa, sige. Payag na ko dyan. Basta wag ka lang lalampas ng linya, ha,“ sabi ko. “Yesss! Thank you!“ sabi niya sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko kay Christian. Kapag nangungulit siya, naiinis ako. Pero konting patawa lang niya lumalamig na ang ulo ko. Wala akong dull moment kapag kasama ko siya. Hindi ito pag-ibig. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iibig sa kanya dahil sa ipinagka-sundo lang kami ng mga magulang namin. Hindi ko talaga alam kung ano ang itatawag dito. Pag-ibig na nga kaya ito?
Dumating ang araw ng school dance at lahat halos ng babae ay hindi magkanda-ugaga sa pagaayos ng kanilang sarili. Kinagabigan, nasa entrance pa lang ako ng hall ay may tumawag na sa pangalan ko. “Aia,“ sabi nito. Tumingin ako sa direksiyong pinanggalingan ng boses at nalaman kong ito ay galing kay Christian. Lumapit sa akin si Christian at bigla na lang akong hinalikan nito sa pisngi. “Ano ka ba!” bulong ko. “Shhh.. alam mo, ang ganda mo ngayon,” sabi ni Christian. “Thanks,” sabi ko naman at bigla tuloy akong nailang sa itsura ko habang pumasok na kaming dalawa sa hall.
Ilang oras lang ang lumipas at diniliman na ang ilaw sa hall. Sayawan na. Siyempre, mababagal lang ang tugtog. “Tara sayaw tayo,” sabi ni Christian at ibinigay niya sa akin ang kamay niya. Inilagay niya ang dalawa kong kamay paikot sa leeg niya at inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa aking bewang. Dahan-dahan kaming sumayaw kasabay sa mabagal na tiyempo ng kanta. Habang tumatagal ay lalong nahigpit at pagkaka-yakap sa akin ni Christian. Ano kaya ang ibig-sabihin nito? Pero hindi na iyon mahalaga para sa akin dahil ng mga oras na iyon ay naka-sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay Christian. Mahal ko na nga ang lalaking ipinagka-sundo para pakasalan ako ng mga magulang namin. Natapos ang gabing iyon na masaya ako.
Pero bigla na lang nag-bago ang lahat ng pumasok ako ng Lunes. “Well, well. Tignan ninyo kung sinong narito. Ang date ng campus crush noong school dance,” sabi ni Dorothy, isang mag-aaral sa school namin na balitang-baliang may gusto kay Christian. “Mas maganda ka naman sa kanya, Dorothy,” sabi ng isa niyang kasamahan. “Buti alam mo. Kaya, girl sabihin mo na sa akin ang sikreto mo. Anong klase bang gayuma ang ginamit mo at nagustuhan ka ni Christian samantalang ako, na di hamak namang mas maganda sa iyo ay tinanggihan ni Christian. Ibang klase ka sigurong manlandi noh? Sabihin mo nga sa akin, saan mo siya dinala pagkatapos ng school dance? Sa motel? Sa bahay nila? O baka naman makapal din ang mukha mo at sa bahay mo siya dinala?” sabi ni Dorothy at nag-tawanan ang mga kasama niya. “Wala akong ginagawang masama sa iyo, Dorothy kaya pwede ba, iwanan mo akong mag-isa,” sabi ko. “Aba’t wala ka palang ginagawang masama sa akin! Inagaw mo si Christian sa akin, yun ang ginawa mo. At kung ayaw mong mapasama ka pa, lalayuan mo na siya!” sabi ni Dorothy. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nanatili ako sa lugar ko na parang estatwa at umalis na si Dorothy at ang kanyang mga kaibigan.
Dapat ko nga nga sigurong layuan si Christian. Di ba’t sa simula naman ay talagang ayaw ko sa kaya? Tanga lang talaga ang puso ko at na-inlove ako kay Christian. At napag-desisyunan kong Lumayo na lang kay Christian. Pero eto pa rin siya na habol ng habol. Naisip ko tuloy, tanga ba talaga ang lalaking ito? Hindi ba niya napapansing ayoko nang mapalapit pa sa kanya?
“Aia, sandali lang,“ sabi niya habang hinawakan niya ang aking braso. “Ano ka ba? Bakit mo ako iniiwasan?“ tanong niya. “Basta,“ sabi ko. “Dahil ba kay Dorothy?” tanong ulit ni Christian. “Ha?” sabi ko. “Alam kong kinausap ka ni Dorothy pagka-tapos ng school dance. Ano bang sinabi niya sa iyo?” sabi ni Christian. “Wala ka nang pakialam dun,” sabi ko at tumalikod na ako. “May pakialam ako,“ sabi ni Christian. “At bakit? Idadahilan mo na naman sa akin na may pakialam ka dahil fiance kita? Pwede ba, wag kang sumunod sa magulang mo. Mag-isip ka ng sarili mo,” sabi ko at nag-lakad na akong palayo.
“Pero sa tuwing sinusubukan kong mag-isip para sa sarili ko, ikaw palagi ang naiisip ko,” sabi ni Christian. “Ha?” napatanga ako sa sinabi niya? Ano bang ibig nyang palabasin? “Manhid ka ba?” sabi ni Christian. “Bakit?” sabi ko. “Kasi, hindi mo maramdaman ang nararamdaman ko para sa iyo,” sabi niya. “At ano naman ang nararamdaman mo para sa akin?” sabi ko. “May pakialam ako kung ano ang sinabi sa iyo ni Dorathy dahil kung an man ang sinabi niya sa iyo ay iyon ang dahilan kung bakit nilalayuan mo ako ngayon,” sabi ni Christian. “At habang lumalayo ka sa akin, lalo lang akong nasasaktan,” pagpapatuloy niya. “At bakit ka naman masasaktan?” tanong ko. “E, kasi mahal kita at ayokong mawala ka sa tabi ko. Wala itong impluwensiya ng aking mga magulang. Buong puso ko ang nag-desisyon nito. Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mahalin ko,” sabi ni Christian at niyakap niya ako. “Kung isyu para sa iyo ang pinagka-sundo tayo ng mga magulang natin, wala iyon para sa akin. Basta dito ka na lang sa tabi ko. Gusto kong ikaw ang makasama ko habambuhay,” sabi niya. “I’m sorry, Christian,” sabi ko at kumalag ako mula sa pagkaka-yakap niya at tumakbong palayo. Sa totoo lang, nasasaktan din ako… kasi, mahal ko na rin siya.
Kinabukasan ay may program sa eskuwelahan namin. Awarding ng mga athletes na sumali sa inter-school at muntik ko ng makalimutan na playaer nga pala si Christian ng basketball. Noong awarding na ay naitanghal si Christian na MVP at pinag-salita siya sa stage. “Actually, wala akong naka-handang speech, eh. Pero nagpapasalamat ako sa mga team mates ko, kay coach Basil, yehey! At sa lahat ng sumuporta sa basketball team namin. Uhmmm…itong award na ito, gusto ko sanang i-dedicate sa taong nag-inspire sa akin these past few months. Aia, alam ko na nandito ka ngayon sa quad. Aia, please, kung ano mang nagawa ko sa iyo, patawarin mo na ako. Kung ano man ang nagawa ko, yun sy nagawa ko dahil minahal kita,” sabi ni Christian at lumuhod siya. “Aia, please, I love you, patawarin mo na ako,” pagpapatuloy niya. “Tanga! Tumayo ka nga diyan. Pag tinuloy mo pa iyan, baka lalo akong ma-inlove sa iyo!” sabi ko. “Aia!” sabi niya at agad siyang bumaba ng stage at niyakap ako ng mahigpit kasabay ng malakas na palakpakan ng mga tao.
“Uy, thank you for coming,” sabi ko. “Ikaw pa, malakas ka sakin, eh,” sabi ni Jhunjie. “Sana malakas din sa iyo inaanak mo. Wag mong tataguan ito at ako ha-hunting sa iyo,” sabi ko. “Hindi ko talaga tataguan si Amanda, ok? Sige, aalis na ko, may pupuntahan pa kami ni Therese,” sabi ni Jhunjie. “Bye, Aia. Congrats ulit sa iyong mag-asawa. Ano nga pala ulit name ng anak niyo?” tanong ng kaibigan kong si Cherry. “Amanda Caris,” sabi ko. “Ay, ang ganda. Sige, alis na ko, ha, congratulatians,” sabi ni Cherry. “Sige, thank you for coming,” sabi ko. “Oh, baka napapgod ka na kay Akemi. Gusto mo ako ng mag-buhat sa kanya?” tanong sa akin ng asawa ko. Si Christian. “Hindi na. Hindi pa naman ako gaanong pagod, eh,” sabi ko.
Kundi nga naman kami naipagka-sundo ni Christian ay hindi kami magkaka-kilala. Salamat na rin pala at naisip iyon ng mga magulang namin dahil kung hindi, hindi ko siguro makikilala ang lalaking ito. Eh, buti na lang pala kasi siya na pala ang mamahalin ko ng habang-buhay. Minsan pala, kailangan din nating mag-tiwala sa desisyon ng mga magulang natin dahil para din naman ito sa ikabubuti natin. Hindi lang sa social life kundi pwede rin palang sa love life.